Date Published: April 16, 2021

Ano ang ’di malilimutang eksena ni Jemelie Torres sa Philippine Loop?
Kailan kaya titigil si Jemelie Torres sa kanyang pagsabak sa Philippine Loop adventure rides?
Ito ang tanong ng libu-libo niyang follower sa social media matapos kumpletuhin niya ang ika-apat na serye ng Philippine Loop Adventure Tour kung saan tinahak nang solo ni Jemelie ang mahigit sa 5,000km sa Luzon, Visayas at Mindanao, noong April 4, 2021, gamit ang Kymco Xciting 400i.
Unang sumabak si Jemelie sa Philippine Loop noong 2018, isang taon matapos siyang magpahinga sa pagmomotorsiklo dahil sa tinamo niyang sugat mula sa aksidente. Aliw na aliw si Jemelie sa magagandang tanawin sa iba’t ibang bansa kaya hindi ito nagsasawang mag-ikot sa Pilipinas sakay ng kanyang motorsiklo.
Walang inaatrasan si Jemelie: umulan o umaraw, umaga o gabi tuloy ang biyahe. Paminsan-minsan na pagsemplang ay balewala rin sa kanya. Subalit ano nga ba ang hindi niya malilimutang karanasan sa kanyang pagsabak sa Philippine Loop?
“Noong naligaw po ako sa kampo ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at NPA (New People’s Army) sa Mindanao,” kuwento niya sa Tropang Top Bikes-Calamansi Edition kahapon.
Naranasan ni Jemelie na maligaw sa Maguindanao at napadpad siya sa kampo ng MILF kung saan may mga armadong kalalakihan ang lumapit sa kanya. “Ang kaba ko nun hanggang bukid. May nakita akong mga kabataan may baril,” dagdag niya.
Mabait at palangiti si Jemelie. Ito marahil ang dahilan kung bakit hinayaan siya ng mga MILF rebel na pumasok sa kampo at makihalubilo sa kanilang hanay. Laking gulat din ng mga residente nang bigla siyang namahagi ng cupcake sa mga residente na kanyang daladala sa top box ng kanyang motorsiklo.
“Nagpanggap din akong tomboy,” ani Jemelie, sabay halakhak. Ganito rin ang kayang naging estilo nang makapasok siya sa kampo ng mga rebeldeng komunista sa Mindanao.
Bago siya mapadpad sa kuta ng mga rebelde, marami ang nagbabala kay Jemelie na iwasang dumaan sa mga lugar na iyon para malayo sa panganib. “Depende na yan kung paano ka makisama sa kanila. Paggalang at respeto sa kapwa ang importante,” giit niya.
Nais niyo pa bang makarinig ng kakaibang riding adventures? Maari kayong mag-join sa Tropang Top Bikes-Calamansi episode gamit ang Calamansi app tuwing Huwebes, alas-9 ng gabi. Tara na, mga ka-tropa!
10 Motorcycles we want to see in PH in 2022
Published Date: December 17, 2021Tax pressure and motorcycle taxis
Published Date: December 13, 2021Caltex Continues Growth In 3rd Qtr Of 2021, Expands Into Auto & Motorcycle Aftermarkets
Published Date: November 9, 2021ILOCOS SUR Marcos supporters hold ‘longest motorcade’ in Ilocos Sur
Published Date: November 7, 2021Another day, another electric motorcycle: Meet the wild-looking AOE Bike
Published Date: November 7, 2021Sustainable mobility as climate action
Published Date: November 6, 20218 Philippine tourist spots ease travel curbs
Published Date: November 5, 2021Smuggled jet skis, motorcycles seized in Manila port
Published Date: November 4, 2021Philippines remains 2nd fastest vehicle market in ASEAN
Published Date: November 4, 2021I-ACT reminds riders: Heavily modified motorcycle helmets are illegal
Published Date: November 4, 2021